Recently viewed products
Filipino Storybooks
Ating subaybayan ang kuwento nina Lus, Bisaya, at Minda. Ano ang ibinilin sa kanila ng kanilang Amang Higante? Nasunod kaya nila ito?
Ating alamin ang kuwento ng mga mangangaso na biniyayaan ng engkantada sa kanilang kabutihan at pagpupursige. Ano ang naidudulot sa kanila ng mahiwagang butil?
Samahan sina Florante at Laura sa kanilang paglalakbay na puno ng pagsubok at pag-asa. Sino-sino ang mga kaibigang kanilang makikilala? At paano nila haharapin ang mga hamong darating sa kanilang landas?
Samahan sina Don Pedro, Don Diego, at Don Juan sa kanilang pakikipagsapalaran sa Bundok Tabor upang hulihin ang Ibong Adarna. Maiuuwi kaya nila ang ibon at mapagaling ang kanilang amang hari sa pamamagitan ng awit nito?
Tama bang gumanti sa mga taong nakasakit sa atin? Tuklasin ang pagpapatuloy ng kuwento ni Crisostomo Ibarra sa katauhan ni Simoun, kasama ang mga iba pang mamamayan ng San Diego. Ito ay batay sa nobelang isinulat ni Dr. Jose Rizal.
Kilala si Crisostomo Ibarra bilang isang edukadong binatang may mabuting hangarin at matibay na paninindigan. Tuklasin kung paano siya binago at hinubog ng mga pangyayaring kaniyang naranasan sa nobelang isinulat ni Dr. Jose Rizal.